Onsehan sa droga: Tulak inutas

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines - Kamatayan ang sinapit ng 26-anyos na drug suspek matapos itong pagsasaksakin ng kabarong tulak dahil sa sinasabing onsehan sa drug trade sa Zone 4, Barangay Triangulo sa Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng madaling araw. Patay na bumulagta sa pintuan ng bahay dahil sa tama ng saksak sa nuo at dibdib ang biktimang si Jesus Abesa habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Eddie Briones. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, ilang residente ang nakarinig na nagtatalo ang biktima at suspek kaugnay sa partihan sa kinita sa droga kung saan nauwi sa pananaksak. Kaagad namang isinugod ng mga residente ang biktima sa Bicol Medical Center subalit idineklarang patay.

 

Show comments