SUV vs trike: 5 kritikal

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Lima-katao kabilang ang 3 mag-iina ang malubhang nasugatan matapos makasalpukan ng kanilang traysikel ang kinakarerang SUV sa kahabaan ng highway sa Barangay Valdez, bayan ng Marcos, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte PNP ang mga sugatan na sina Reynaldo Benigno, 56, driver ng trike; Noralyn Gervacio, 34; at mga anak na sina Maria Ericka, 12; Jameica, 10; at si Maria Helena Gervacio, 5. Lumalabas sa imbestigasyon na nasaltik ng traysikel ang Toyota Land Cruiser na minamaneho ni Norman Orid, 29, na nag-overtake sa kanya. Isinugod ng mga sumaklolo ang mga biktima sa ospital habang inaresto ng mga rumespondeng pulis ang drayber ng SUV matapos ang insidente.

Show comments