TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Sugatan ang 33-katao kabilang ang dalawang pulis matapos tumaob at mahulog ang pampasaherong bus sa malalim na palayan sa gilid ng national highway sa Barangay San Juan, Ilagan City, Isabela noong Lunes ng gabi.?
Kinilala ni P/Supt. Ariel Quilang, hepe ng pulisya sa Ilagan City ang mga dalawang pulis na naisugod sa Gov. Faustino Dy Sr. Memorial Hospital na sina P01 Ronel Nicobesa, 31, ng PNP-Nueva Vizcaya; at PO1 Nixon Banatao, 29, ng PNP Iguig, Cagayan gayundin ang negosyanteng si Ponciano Rivero, 61, ng Brgy. Balzain, Tuguegarao City. ?
Lumalabas sa imbestigasyon na tumilapon ang GV Florida Bus (POC-810) na minamaneho ni Samuel Regualos ng Barangay Paru-Paruk sa Solana, Cagayan matapos nitong tapakan ang preno dahil sa pagkakadulas dulot ng pag-ulan.?
Kasama ng tatlo na nagtamo ng mga gasgas at bukol ay ang drayber na si Regualos at iba pang pasahero ng bus.?
Matatandaan na noong Pebrero ay namatay ang isang drayber ng GV Florida Bus at nasugatan ang 27 iba pang pasahero makaraang mahulog at bumaliktad sa isang palayan sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya.