TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 5-anyos na special child na totoy matapos itong lamunin ng apoy sa nasunog nilang bahay sa Barangay Alannay, bayan ng Lasam, Cagayan kamakalawa. Ayon kay PO2 Reginald Tagumasi, nasukol sa loob ng kuwarto sa second floor ang batang si Jazzlee Anno na anak ng isang karpentero. ?
Pinaniniwalaang nanggaling sa kuwartong pinaglalaruan ng bata ang apoy kung saan ito nahuhumaling magsaksak ng mga kagamitan sa kuryente kaya nagkaroon ng faulty circuit. ? “Halos hindi na nakilala ang bangkay ng bata,” pahayag ni Tagumasi. ?Tinatayang umabot naman sa P50,000 halaga ng ari-arian ang danyos ng sunog, ayon sa arson investigators.