P230-M underpass itatayo sa Lucena City
QUEZON , Philippines - Pinangunahan kahapon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang ground breaking ng P230 milyong underpass sa Lucena City, Quezon.
IIatayo ang nasabing proyekto sa junction ng Lucena-Tayabas-Mauban diversion road sa Barangay Gulang-gulang ay isa sa malaking infrastructure project ng DPWH sa Quezon sa ilalim ng administrasyon ni Presidente Rodrigo Duterte.?
Ayon kay DPHW Sec. Villar, tatagal ng halos 10-buwan ang konstruksyon na inaasahang magpapaikli sa oras ng mga bumibyahe patungong Bicol at Visayas Region at patungong Metro Manila.?
Sa kasalukuyan ay umaabot sa 12-oras ang biyaheng Bicol mula Maynila.?
Ayon kay Mayor Roderick Alcala, ang underpass na ito ang magiging daan upang sa mga darating na panahon ay tatawaging Mega City ang Lucena dahil sa mga naglalakihang infrastructure project.?
Sa pagpasok ng Marso 2017 ay bubuksan na sa publiko ang bagong One-Stop Shop City Hall sa diversion road sa Barangay Kanlurang Mayao.
- Latest