^

Probinsiya

Cancer patient tiklo sa P.5-M shabu at arms cache

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
Cancer patient tiklo sa P.5-M shabu at arms cache
Nakaupo lamang ang suspek na si Franklin Bin?as matapos itong maaresto ng mga tauhan ng PDEA-12 sa kanyang bahay sa Barangay General Paulino Santos sa Koronadal City kahapon ng umaga.
Photo courtesy ng PDEA-12 sa facebook

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines – Kalaboso ngayon ang 51-anyos na cancer at diabetic patient matapos itong makumpis­kahan ng P.5 milyong ha­laga ng shabu at mga armas sa inilatag na drug bust ope­ration sa Purok Tagumpay, Barangay Ge­neral Paulino Santos sa Koronadal City, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni PDEA-12 Information Officer Kath Abad ang suspek na si Franklin “Kano” Biñas ng nasabing barangay.

Nasamsam sa suspek ang mga 7-jumbo pack heat sealed plastic sachets na shabu, isang M26 at isang M22 hand grenade, isang cal.45 pistol, isang cal .38 revolver, mga cell phone, pera at drug paraphernalia.

Kahit may sakit na cancer at diabetes ang suspek ay lakas-loob pa rin itong nagbebenta ng droga sa nasabing lungsod.

Napag-alaman din na dati nang nasakote ang suspek ng Koronadal City PNP subalit nakalabas matapos makapagpiyansa.

Nakakulong na sa kampo ng PDEA-12 ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso.

vuukle comment

PAULINO SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with