Driver ng tanker inararo ng bus
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 37-anyos na driver ng oil tanker matapos itong mahagip ng pampasaherong bus sa bayan ng Santa Fe, Nueva Vizcaya kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Jimmy Ferrer ng Barangay Rizal sa bayan ng Roxas, Isabela. Sa inisyal na ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Filipino Flaris, hepe ng Sta. Fe PNP, magde-deliver sana ang biktima ng krudo kasama ang pahinante nang magpasyang huminto sa karinderya sa Barangay Baliling para magkape. Gayunman, nahagip ng pampasaherong bus ang biktima habang patawid sa kalsada. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy bus na nakahagip sa biktima.
- Latest