Imbestigasyon sa sunog sa EPZA Cavite, umarangkada na

Tuluyan nang napasok ng mga bumbero at rescue volunteer  ang nasunog na Cavite Export Processing Zone sa General Trias sa Cavite kahapon matapos na ideklarang fire out kamakalawa. Edd Gumban

CAMP VICENTE LIM LAGUNA, Philippines – Nagsasagawa na ang mga awtoridad nang masu­sing imbestigasyon hinggil sa naganap na malaking sunog   sa Export Processing Zone Area (EPZA)  sa Gen. Trias City, Cavite.

Nagsimula na ring magsagawa ang mga bumbero sa naturang lungsod ng kanilang mopping, clogging, at clearing operation sa gusaling pinagmulan ng sunog.  Ang gusaling ito ay isa lamang sa iba pang istraktura na nasasakop ng halos 6 ektarya pasilidad ng House of Technologies Industries (HTI). Ayon kay S/Supt. Serio Soriano ng regional director of the Bureau of Fire and Protection 4A, ang imbestigasyon ay pangungunahan ng National HQ- National Capital Region-BFP, na base na rin sa polisiyang ipinapatupad.

“ The policy stated that if the fire reach to P50-M cost of damage, automatically the NCR – BFP, will assume the investigation” ani Soriano.

Dagdag pa ni Soriano, isang probe team na ang nagsimulang mag-imbestiga sa ikalawang palapag ng nasunog na gusali kung saan umano nagmula ang sunog.   Ang mga makakalap na datos hinggil sa dahilan ng sunog ay isusumite pagkatapos sa mga kinauukulang ahensya para sa mga susunod pang mga hakbangin. Sa tala ng NCR-BFP, walang nasawi sa naganap na sunog samantalang tumaas na ang bilang  sa 124 na empleyado ng kumpanya ang sugatan.

Show comments