Obrerong mahusay sumayaw, pinagtulungang patayin
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Naging mitsa ng buhay ng 47-anyos na obrero ang husay nitong umindak sa sayawan matapos itong pagtulungang saksakin ng pitong magkakamag-anak na senglot sa idinaos na birthday party sa Barangay San Mateo, bayan ng Tumauini, Isabela kamakalawa.
Kinilala ni P/Chief Insp. Allen Alcido, hepe ng Tumauini PNP ang isinugod sa Cagayan Valley Medical Center na si Julius Collado habang pinaghahanap naman ang mga suspeks na sina Lito Angobung, Jun Papa, John John Tricio, Jay-Ar Tricio, Siano Tricio, Rick Anapi at si Jun Bucad.?
Lumalabas sa imbestigasyon na ipinamalas ni Collado ang husay sa pagsayaw sa kalagitnaan ng laklakan subalit sa halip na palakpak ay nagliliparang mga bote ng alak ang natamo nito sa mga suspek na umano’y naangasan sa kanya.?
Ayon sa police report, nag-iisang gumanti si Collado sa mga magkakamag-anak na noon ay pinagtulungan siyang tuhugin bago nagsipagtakas.
- Latest