^

Probinsiya

Basilan blast: 2 bata patay, 3 sugatan

SHOWBIZ UPDATE - Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Basilan blast: 2 bata patay, 3 sugatan
Sa ulat na nakarating kay AFP Western Mindanao Command Commander Major Gen. Carlito Galvez Jr., kinilala ang mga namatay na sina Niyadz Pising, 2; at Ombek Akbar, 5, habang ginagamot naman sa ospital ang mga sugatang sina Pahmiya Pising, Salmiya Akbar, kapwa 4-anyos; at si Suriama Akbar, 25.
File Photo

MANILA, Philippines - Dalawang bata ang na­matay habang tatlo ang nasugatan makaraang  sumabog ang bomba na sinasabing itinanim ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa bayan ng Al Barka, Basilan,  noong Linggo ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay AFP Western Mindanao Command Commander Major Gen. Carlito Galvez Jr., kinilala ang mga namatay na sina Niyadz Pising, 2; at Ombek Akbar, 5, habang ginagamot naman sa ospital ang mga sugatang sina Pahmiya Pising, Salmiya Akbar, kapwa 4-anyos; at si Suriama Akbar, 25.

Base sa ulat, naglalaro ang mga biktima sa gilid ng kalsada nang matapilok ang bomba kaya ito sumabog.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima pero dalawa ang namatay habang sugatan naman ang tatlo.

Naniniwala naman si Galvez  na kagagawan ng mga bandido ang pagpapasabog bilang resbak sa opensiba ng militar upang durugin ang kanilang grupo.

Magugunita na noong Disyembre 2016 ay dalawang bata rin ang namatay at dalawa ang nasugatan sa pagpapasabog ng bomba ng mga bandido sa Brgy. Bohe Piyang sa bayan din ng Al Barka.

 

vuukle comment

BASILAN BLAST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with