2 hackers sa online gaming, arestado sa P.2-M

CAVITE, Philippines -  Dalawang kawani ng kompanyang online gaming na inakusahang nanlimas ng P.2 mil­yong cash ang nasakote sa inilatag na operasyon ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Kawit, Cavite.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na si Lovely May Mirando, 28; at Jonathan Medina, 23, mga kawani ng Game Zone Online Gaming, at kapwa nakatira sa Block 24, Lot 24, Carmelita Street sa Stateland Subd. sa Barangay Manggahan, General Trias City, Cavite, kapwa empleyado ng Game Zone Online Gaming sa Barangay Binakayan, bayan ng Kawit, Cavite.

Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nadiskubre ang pagnanakaw ng dalawa makaraang mapansin ng branch manager na si Renalyn Dela Paz na minanipula ang bet gaming online.

Hindi nag-uugma ang system sa computer ng online gaming sa tunay na kinita ng nasabing kompanya kaya kaagad na ipinaaresto ang mga suspek saka kinasuhan.

Show comments