CAMARINES NORTE, Philippines – Umabot din sa hangganan ang pagiging mapagsamantala ng 74-anyos na lolo na sinasabing may kasong 5 counts ng rape makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa kanyang bahay sa Barangay Gabas, bayan ng Buhi, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Hindi na nagawang makapalag sa pulisya ang suspek na si Abundio Sta. Ana, ng nabanggit na barangay. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Manuel Rosales ng Iriga City Regional Trial Court Branch 34 sa kasong 5 counts of rape at walang piyansang inirekomenda. Rehas na bakal na ngayon ang hinihimas ng suspek sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Buhi.