^

Probinsiya

Gang war: 3 estudyante, 2 pa utas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lima katao kabilang ang tatlong estudyante ang nasawi makaraang pagbabarilin ng kalabang gang sa Biñan City, Laguna nitong Biyernes ng  mada­ling araw.

 Kinilala ang mga nasawi na sina Arnel Barce, 17; Ranel Barce, 18; Darwin Villareal, 18; pawang mga estudyante; Rico Laserna, 32, at Mark Robin Ignacio, 27.

Sina Arnel Barce, Villareal, Laserna at Ignacio ay pawang dead-on-arrival na sa Biñan Hospital habang binawian naman ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Perpetual Help Hospital sa lungsod na ito si Ranel Barce, 18.

 Sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Pernito, alas-12 ng madaling araw habang nasa harapan ng Canlalay Elementary School sa Brgy. Canlalay ng lungsod  ang mga biktima nang ratratin ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mula sa kalaban nilang gang.

 Ayon naman kay Supt. Serafin Petalio, hepe ng Biñan City, ang mga suspek at ang mga biktima ay pawang mga notoryus na grupo sa lugar at hinihinalang gumagamit ng illegal na droga.

Narekober sa crime scene ang 13 cartridge ng cal. 9 mm at mga basyo ng bala.

vuukle comment

PAGBABARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with