BULACAN, Philippines – Napatay ang isang drug peddler habang nasakote naman ang babaeng kasabwat nito ang naaresto ng pulisya matapos ang magkasunod na buy-bust operation sa Barangay Caypombo, bayan ng Santa Maria, Bulacan noong Sabado ng gabi. Dalawang bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Jay-R “Kosa” Salvador habang arestado naman si Romella Borja, dating pasyente sa drug rehabilitation center. Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Raniel Valones nagpanggap na poseur-buyer ang isang pulis kasama ang confidential agent para bumili ng shabu kay Borja kung saan hindi ito nakapalag makaraang arestuhin. Samantala, nakatunog naman si Salvador sa inilatag na buy-bust operation kaya ito kumasa at tinangkang magpaputok subalit naging maagap ang mga pulis kaya ito napatay. Narekober sa dalawang operasyon ang 9 plastic sachet ng shabu, dalawang P500 marked money, cal.38 revolver, at mga bala.