Amain inutas ng anak saka nag-suicide

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Sinasabing nagbigti sa loob ng selda ang 40-anyos na pasyente ng mental hospital na sinasabing sumaksak at nakapatay sa 68-anyos na amain sa Barangay Minanga, bayan ng Naguilian, Isabela noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Insp. Glen Tuazon, hepe ng Nagui­lian PNP ang nag-nagbigti na si Marlou Marzan habang ang kinatay nito ay si Jose Agustin.

Namatay si Agustin habang ginagamot sa  pribadong hospital sa Cauayan City matapos itong mapagtripang gripuhan ni Marzan sa laklakan sa kanilang lugar.

Nabatid na problema sa nasabing barangay si Marzan na may sakit sa pag-iisip dahil sa malimit na pagwawala at panghihipo ng mga babae.?

Matapos pumanaw si Agustin dakong alas-10:30 ng gabi ay natagpuan naman si Marzan na nakadapa sa sahig at lawit pa ang dila sa loob ng selda. ?

Napag-alamang nagtali sa leeg si Marzan sa tubo ng gripo sa palikuran saka iti­numba ang sarili upang mabigti na nakasayad ang mga paa sa sahig.

Show comments