Problemadong mister, nagbigti
BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang dumapo ang matinding depresyon sa 51-anyos na lalaki na sinasabing nasangkot ito sa nakawan sa pinapasukang pabrika kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan makaraang magbigti sa kanilang bahay sa Brgy. Lambakin, bayan ng Marilao, Bulacan kahapon. Natagpuang nakabitin sa palikuran ang biktimang si Roberto Riesgo, maintainance worker at nakatira sa Northville 4-B sa nasabing barangay. Ayon kay PO1 Ryan Natividad, narekober ng bayaw na si Reynaldo Soberano ang celphone ng biktima na may nakasaad na humihingi ng patawad sa kanyang mga kaanak at mga anak dahil sa hindi nakayanang problema sa sarili. Ayon sa mga kaanak ng biktima, problemado at malulungkutin ito dahil sa pagkakasangkot sa naganap na nakawan sa pinapasukang pabrika at ang problema sa sariling pamilya kaya marahil winakasan ang kanyang buhay.
- Latest