QUEZON, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 35-anyos na motorcycle rider habang malubhang nasugatan ang kanyang backrider makaraang banggain ng SUV sa kahabaan ng Maharlika Highway sa diversion road, Barangay Silangang Mayao sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon. Basag ang bungo ng biktimang si Sanny Lagar ng Barangay Bocohan habang patuloy na nilalapatan ng lunas sa Quezon Medical Center sanhi ng mga sugat sa ulo at katawan si Marijoy Bernabe, 22. Ayon sa ulat ng pulisya, patungo sa city proper sina Lagar at Bernabe na lulan motorsiklo nang banggain nang sumusunod na Nissan Urvan na minamaneho ni Tolentino Sidon Jr. ng Mauban, Quezon dakong alas-2 ng hapon. Nasakote naman ang suspek na nakatakdang kasuhan.