4 tulak tiklo sa buy-bust

BULACAN, Philippines - Sa kulungan magdiriwang ng Bagong Taon ang apat na drug peddler makaraang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy.Caingin, Bocaue sa Bulacan kahpon ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Myrna Nicolas, 45; Helen De Jesus, 50; Mark Anthony Segundo, 31; at si Aldrin Delos Reyes, 24, mga nakatira sa Brgy. Caingin. Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Jowel Dela Cruz, sina De Jesus at Segundo ay naaresto sa madilim na bahagi ng Pansol Street habang nasakote naman sina Delos Reyes at Nicolas sa loob ng kani-kanilang bahay. Narekober sa mga suspek ang 21 plastic sachet ng shabu na may street value na P10,500 at dalawang P500 cash na marked money.

Show comments