NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang anak ng alkalde matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa Barangay Miasong, bayan ng Tupi sa South Cotabato, kahapon ng umaga.
Napuruhan sa dibdib ang biktimang si PO1 John Mark Escobillo, officer-in-charge sa community police assistance center at anak ni Tupi, South Cotabato, Vice Mayor Noel Escobillo.
Nabatid na pauwi na ang biktima nang harangin at pagbabarilin bandang alas-9 ng umaga.
Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit binawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala ng shotgun.
Maliban sa pagiging pulis, abala rin ang nakababatang Escobillo sa preparasyon sa nalalapit na kapistahan sa kanilang barangay.
Nagpapatuloy naman ang manhunt operation laban sa gunman na pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan.