SUV vs truck: Ina todas, mag-aama, driver kritikal

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng 45-anyos na misis ng pangulo ng Ifugao State University (IFSU) habang apat naman ang grabeng nasugatan matapos salpukin ng trailer truck ang kanilang Toyota Fortuner SUV sa bulubunduking highway sa Brgy. Minuli, bayan ng Carranglan, Nueva Ecija noong bisperas ng Pasko. ?

Kinilala ni P/Insp. Froilan Tolentino, hepe ng Carranglan PNP ang namatay na si Febelyn Mohayon habang ang mister nitong si Serafin Mohayon, 49; at dalawang anak na sina John Paul, 13; at Anna Faith, 18, kasama ang drayber ng IFSU na si Michael Buyucan, 36, ay isinugod ng mga sumaklolo sa pagamutan.?

Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa trak si Melvin Bautista matapos pumutok ang isa sa harapang gulong nito sa pabulusok na bahagi ng highway kung saan sumalpok sa kasalubong na SUV (SAA-4644).?

Nabatid na pauwi na sa Ifugao mula sa bakasyon sa Israel ang pamilya Mohayon nang maganap ang trahedya. ?

Arestado naman ang drayber ng truck na si Bautista matapos ang insidente.

Show comments