Bus uli, sinunog

NORTH COTABATO, Philippines – Isa na namang pampasaherong aircon bus na sinasabing hindi nakapagbigay ng revolutionary tax ang sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army sa labas ng sementeryo sa bayan ng Sto. Niño, South Cotabato kamakalawa ng gabi. Ayon kay P/Senior Supt. Franklin Alvero, provincial director ng South Cotabato, patungong Koronadal City mula sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat ang Yellow Bus Line (YBL) na may body number 7225 nang pababain ang mga pasahero pagsapit sa harap ng sementeryo sa bayan ng Sto. Niño. Binuhusan ng gasolina ang nasabing bus saka sinilaban kung saan hindi naman sinaktan ang mga pasahero. Base sa tala ng pulisya, ito na ang ikatlong yunit ng YBL na sinunog  ng NPA rebs.

Show comments