^

Probinsiya

Mag-asawa patay sa road mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Malungkot na Kapuskuhan ng mga anak ng mag-asawang namatay makaraang sumadsad  at sumemplang ang kanilang motorsiklo sa malalim na lubak ng kalsada sa kinukumpuning highway sa Barangay Caquilingan, bayan ng Cordon, Isabela kamaka­lawa ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Ronie Naira, hepe ng Cordon PNP, kinilala ang mag-asawa na sina Ephraim Caagusan, 44; at Jane Caagusan, 43, mga nakatira sa nasabing bayan. Ayon sa mga nakasaksi, naganap ang sakuna dahil walang sapat na warning signage ang kontratista ng DPWH sa nasabing lugar upang maging babala sa mga motorista kaugnay sa masamang lagay ng kalsada. Sa record ng pulisya, unang nasakote ang isang foreman at kanyang backhoe operator sa nasabing project site ng gobyerno kung saan sinasabing naaresto ng pulisya  sa pot session sa kanilang bunkhouse noong nakaraang linggo.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with