BULACAN, Philippines – Isa na namang kaso ng death under investigation (DUI) ang naitala matapos na likidahin ng rinding-in-tandem gunmen ang dalawang lalaki kabilang ang kapangalan ng kasalukuyang senador noong Biyernes ng madaling araw sa Barangay Ibayo, bayan ng Marilao, Bulacan. Kinilala ng mga biktimang sina Joel Villanueva ng Barangay Patubig at Jorge Perello, 45, ng Brgy. Poblacion 1 sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ni PO3 Marcelo Galsim Jr. namataan ng ilang residente ang mga biktima na tumatakbo patungo sa direksyon ng Sandico Street na may humahabol. Pagsapit sa harapang bahagi ng tulay ay biglang sumulpot ang motorcycle-riding gunmen saka kaagad na niratrat ang mga biktima. Narekober sa crime sene ang siyam na basyo ng bala cal.45 pistol at ang plastic sachet ng shabu ang nakuha sa bulsa ni Perello.