CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng 59-anyos na barangay treasurer matapos itong masakote ng mga awtoridad sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Plaza Burgos, bayan ng Guagua, Pampanga noong Huwebes ng hapon. Sa police report na nakarating kay P/Chief Supt. Aaron Aquino, PNP regional director, pormal na kinasuhan ang suspek na si Maria Victoria Soriano na sinasabing nawalan ito ng malay na kaagad namang isinugod sa ospital. Nasamsam sa suspek ang 7-plastic sachet na may shabu, mga drug pharapernalia, at P40.000 cash.