Obrero dedo sa electric stove
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Natusta ang 35-anyos na construction worker matapos makuryente sa nahawakan nitong talop na kawad ng electric stove sa kanilang bunkhouse sa Sitio Kintikal-o, Barangay Namipit sa bayan ng Quirino, Ilocos Sur kamakalawa. ?Kinilala ni P/Chief Insp. William Nerona, tagapagsalita ng Ilocos Sur PNP ang biktima na si Marcial Malagay na tubong Boliney, Abra.? Lumalabas sa imbestigasyon na naghahanda ng hapunan ang biktima ng aksidenteng mahawakan nito ang talop na kawad ng nasabing gamit. ?Isinugod si Malagay sa Quirino Health Care Facility Hospital kung saan siya idineklarang patay.
- Latest