Retiradong sundalo utas sa trio
GUINYANGAN, QUEZON, Philippines - Patay agad ang isang retiradong sundalo ng Philippine Army makaraang pagbabarilin ng motorcycle riding trio sa Barangay San Antonio ng bayang ito, kamakalawa ng hapon. Nabistay ng bala ang katawan at ulo ng biktimang si Augusto Gacho, 58, may asawa at residente ng Brgy. Calimpak samantalang patuloy na nangangalap ng impormasyon ang pulisya upang makilala ang mga salarin. Base sa imbestigasyon, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo galing sa Gumaca, Quezon nang sabayan ng mga suspek na lulan din ng isang motorsiklo dakong alas-12:30 ng hapon. Bumunot umano ng baril ang isa sa mga suspek saka pinaulanan ng punglo ang biktima.
- Latest