Nitso binakbak, mga damit kinulimbat: 5 patay ninakawan sa sementeryo

Limang nitso ang binakbak ng isang lala­king may diprensya sa pag-iisip kung saan pinagkukuha nito ang damit ng mga nakahimlay kamakalawa ng gabi sa loob ng pampublikong sementeryo ng Santa, Ilocos Sur noong hatinggabi ng Miyerkules.
Philstar.com, file

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Limang nitso ang binakbak ng isang lala­king may diprensya sa pag-iisip kung saan pinagkukuha nito ang damit ng mga nakahimlay kamakalawa ng gabi sa loob ng pampublikong sementeryo ng Santa, Ilocos Sur noong hatinggabi ng Miyerkules.

Ayon kay Chief Insp. William Nerona, tagapagsalita ng Ilocos Sur PNP, isang umano’y ‘sinto-sinto’ ang itinuro ng sepulturerong si Tony Fabilinia na nakita niyang tumangay ng damit ng limang patay makaraang  bakbakin ang nitso ng mga ito at binuksan ang kani-kanilang mga kabaong.

Ayon sa report, inabutan ng mga nagrespondeng pulis na isinilid ng suspek ang mga tinangay na damit sa loob ng bakanteng nitso sa camposanto na pinaniniwalaang ginawa niyang tirahan.

Patuloy pa rin tinutugis ng pulisya ang hindi pa natukoy na suspek.

Show comments