30 high school students, sinapian
NORTH COTABATO, Philippines – Pinaniniwalaang sinapian ng masamang espiritu ang may sa tatlumpung mag-aaral ng Initao National Comprehensive High School (INCHS) sa Barangay Poblacion sa bayan ng Initao, Misamis Oriental kahapon ng umaga.
Ayon sa guro na si Pia (di tunay na pangalan), posibleng naghahasik ng kaguluhan ang nakatirang masamang espiritu sa may 10-lumang gusali dahil nagsagawa ng thanksgiving mass ang faculty and staff sa paaralan, kahapon.
Sinabi pa ni Pia na kadalasan umano sa napasukan ng masamang espiritu ay mga babaeng mag-aaral kung saan nawalan ng lakas, sumisigaw at biglang mag-iiba ang mga boses.
Natuklasan din na ang nasabing paaralan ay naitayo noong 1957 kung saan dating libingan ang tinitirikan nitong lupain.
Samantala, kinatigan naman ni Sister Sherna Rementizo ng Missionary Sisters of the Holy Family Congregation na napasok ng masamang espiritu ang katawan ng ilang mag-aaral mula INCHS.
Maging ang mga misyunaryo ng nasabing congregation kasama ang kura paroko ng Saint Francis Xavier Parish ay nakapagpalabas ng masamang espiritu mula sa ilang mag-aaral.
“Sa anim na pinakagrabeng sinapian ay nasa tatlo kung saan malakas na puwersa ang kanilang pinagtulungang at ipinagdarasal para lumisan sa katawan ng mga biktima ang masamang espiritu,” dagdag pa ni Rementizo.
- Latest