Lineman kisay sa kuryente

CAVITE, Philippines – Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang 21-anyos na lineman na sinasabing nagkakabit ng kable ng telecommunication sa poste matapos itong makuryente kamakalawa ng hapon sa Barangay Kabulusan, bayan ng Magallanes, Cavite. Kinilala ang biktima na si John Patrick Ga­ling ng Barangay San Roque, Cavite City, Cavite. Sa ulat ni PO2 Glenn Enriquez na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia, nagkakabit ng kable ng telecommunication ang biktima kasama ang ilang lineman nang mapadikit ang katawan sa talop na linya ng kuryente. Dito na  nagkisay ang biktima kung saan naisugod naman sa ospital subalit idineklarang patay.

Show comments