Anti-drug fiscal nilikida ng tandem

Namatay habang ginagamot sa St. Camillus Hospital ang biktimang si Atty. Rolando Acido, city prosecutor sa nasabing lungsod. Sa ulat ni P/Chief Supt. Manuel Gaerlan, director ng Police Regional Office (PRO) 11, si Fiscal Acido ay sinasabing paralisado ang kalahating katawan bunga ng ‘stroke’ pero nagtratrabaho pa rin ito.
File photo

NORTH COTABATO, Philippines – Pinabulagta ang beteranong abogado na tumatayong fiscal matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bisinidad ng Hall of Justice sa Barangay Dahican, Mati City sa Davao Oriental kahapon ng umaga.

Namatay habang ginagamot sa St. Camillus Hospital ang biktimang si Atty. Rolando Acido, city prosecutor sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Manuel Gaerlan, director  ng Police Regional Office (PRO) 11, si Fiscal Acido ay sinasabing paralisado ang kalahating katawan bunga ng ‘stroke’ pero nagtratrabaho  pa rin ito.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, lumilitaw na bumaba sa kanyang sasakyan ang biktima dakong alas-8:40 ng umaga at naglakad patungo sa Mati Hall of Justice nang bigla na lang itong lapitan at pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki na naka-motorsiklo.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at sa katawan si Acido.

Kaagad namang tumakas ang tandem patungo sa direksyon ng Barangay Dahican sa nasabing lungsod.

Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ng baril na ginamit sa pamamaslang.

Nabatid na si Fiscal Acido ay humahawak umano ng mga kasong may kinalaman sa droga. Dagdag ulat ni Joy Cantos

Show comments