Tulak dedo sa shootout

Sinusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga personal na gamit ng isang drug pusher na napatay sa buy-bust operation matapos itong lumaban sa mga tauhan ni P/Supt. Heryl Bruno sa Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan noong Linggo ng gabi.
Boy Cruz

BULACAN, Philippines - Napatay ang sinasabing notoryus na tulak-droga matapos itong kumasa at makipagbarilan sa pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan noong Linggo ng gabi. Kinilala ang napatay na si Rommel Dungo ng Brgy. Sta. Cruz sa bayan ng Hagonoy at nasa drug watchlist ng barangay. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Heryl Bruno, nakipagkita ang poseur-buyer na pulis kay Dungo upang bumili ng sachet ng shabu. Subalit habang iniaabot ng suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu ay nakahalata ito sa presensya ng iba pang pulis. Dito na binunot ng suspek ang kanyang baril saka sinubukang barilin ang poseur-buyer subalit naging maagap na pinaputukan ang suspek at napatay. Narekober sa encounter site ang cal.38 revolver, mga bala, tatlong pakete ng shabu, mga drug paraphernalia, mga personal na gamit na nasa loob ng sling bag at ang P300 marked money na ginamit sa operasyon.

Show comments