TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Umaabot sa 22 hepe ng pulisya sa Cagayan Valley (region 2) ang sinibak sa puwesto dahil sa mahinang performance sa Oplan Double Barrel o ang pinalakas na kampanya laban sa droga.
Sa ulat ni Chief Supt. Gilbert Sosa, acting director ng police regional office 2, kabilang sa mga sinibak ay 12 police commander sa Isabela, anim sa Cagayan, 3 sa Nueva Vizcaya at isa sa Quirino.
Ang pagsibak sa mga opisyal ng police ay bahagi ng reorganisasyon para palakasin pa ang all-out war laban sa droga sa Cagayan Valley Region alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan ang problema sa droga sa loob ng anim na buwan.
Kabilang sa mga sinibak ay sina P/Supt. Manuel Bringas ng Ilagan City; P/Supt. Engelbert Soriano of Cauayan City; P/Senior Insp. Ben Bumanglag ng Delfin Albano PNP; P/Senior Insp. Jonathan Binayug ng Palanan; P/Senior Insp. Aladin Revocal ng San Pablo; P/Senior Insp. Ignacio Layugan ng Dinapigue; P/Senior Insp. Richard Limbo ng Divilacan; P/Chief Insp. Edgardo Esteban ng Maconacon; P/Chief Insp. Pilarito Malillin ng San Mateo; P/Chief Insp. Mario Fajardo ng Luna; P/Senior Insp. Ruby Capinpin ng Roxas.
Gayundin sina P/Chief Insp. Alvin Mabazza ng Alcala; P/Senior Insp. Antonio Palattao ng Allacapan; P/Senior Insp. Eugenio Catubag ng Rizal; P/Senior Insp. Ronald Balod ng Sta. Praxedes; P/Senior Insp. Mario Maraggun ng Calayan; P/Senior Insp. Christopher Danao ng Buguey; P/Chief Insp. Larry Pinkihan ng Kasibu; P/Chief Insp. Joeffrey Bulong ng Ambaguio; P/Senior Insp. Rudil Bassit ng Kayapa; at si P/Senior Insp. Alex Orbillo ng Quirino.