^

Probinsiya

Karo ng patay gamit sa ‘Oplan Tokhang’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Karo ng patay ang ginamit na pamamaraan ng pamunuan ng pulisya sa mga  bayan ng Tabuelan at Dalaguete sa Cebu sa ini­lunsad na “Oplan Tokhang” para pasukuin ang mga durugista at tulak-droga.

Ayon kay P/Senior Insp. Rico Emperwa, hepe ng Tabuelan PNP, karo ng patay ang kanilang ipinakikita sa mga durugista at tulak-droga para ipakita sa kanila na seryoso ang mga awtoridad na sugpuin ang pana­nalasa ng droga sa nasabing bayan

Kasama sa parada ng pulisya ang karo ng patay at ilang patrol cars na nagtungo sa mga barangay na masyadong apektado ng drug trade kung saan nanawagan sa mga adik at drug pusher na sumuko na.

Ayon kay Emperwa, epek­tibo at positibo sa taumbayan ang paggamit ng funeral vehicle dahil nagsimulang magsisuko ang mga drug suspek sa takot na mapatay kapag nanlaban.

Samantala, maging si P/Senior Insp. Abell Laborte, hepe ng Dalagueta PNP ay gumamit na rin ng karo ng patay sa inilunsad na “Oplan Tokhang” laban sa mga pa­saway na drug suspek.

“Dalawa lang na sasak­yan ang pagpipilian ng mga drug suspek, ang isakay sila sa police vehicle o sa karo ng patay,” pahayag ni P/Senior Insp. Laborte

Ayon kay Laborte, nag-alok ang may-ari ng funeral parlor na gamitin ang karo ng patay for free para suportahan ang kanya ng PNP laban sa droga.

Sinuportahan naman ng mga opisyal ng PNP region kabilang na si P/Chief Supt. Noli Taliño, PNP director ng PRO-7 ang ginawa nina Emperwa at Laborte.

“Paraparaan lang yan, wala namang illegal sa ginawa nila, just one way of informing the public na seryoso tayo in our campaign,” pahayag ni Taliño.

Sa tala ng pulisya, aabot sa 69,190 drug peddlers at durugista ang sumuko sa pulisya sa region sa inilatag na “Oplan Tokhang”.

Sa kasalukuyan ay uma­bot sa 102-katao na may koneskyon sa droga ang napatay sa Central Visayas kung saan 48 ang pinabulagta ng mga hindi kilalang gunmen habang ang iba naman ay napatay sa legitimate police operations.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with