4 drug pushers, itinumba
MANILA, Philippines - Apat na drug pushers na naman ang itinumba sa magkakahiwalay na pamamaril ng vigilante group sa Pangasinan at Batangas kamakalawa.
Sa ulat ng Pangasinan PNP, dakong alas- 6:15 ng umaga nang matagpuan ang dalawang bangkay ng dalawang hindi kilalang lalaki sa bisinidad ng Brgy. Babasit-Pugaro sa bayan ng Manaoag.
Narekober sa ibabaw ng bangkay ng dalawa ang isang karton na may nakasulat na “drug pusher in tandem, huwag tularan, may susunod pa”.
Isa sa mga biktima ay tinatayang may taas na 5’8, katamtaman ang pangangatawan,
Nakasuot ng camouflage na short at pulang t-shirt ang isa habang puting t-shirt baman at dilaw na short pants ang isa.
Samantala, bandang alas-9:20 naman ng umaga nang marekober ang bangkay ng isang lalaking na nakaberdeng t-shirt at nakahandusay sa bisinidad ng Ramon Diokno Highway sa Brgy. Payapa Ibaba sa Lemery, Batangas.
Sinasabing nakagapos, may masking tape sa mukha at tadtad ng mga tama ng bala ng M16 rifle.
Natagpuan din ang isa pang bangkay ng hindi kilalang lalaki na sinasabing na isa ring drug pusher sa Barangay San Lucas, Lipa City, Batangas.
Nakuha naman ng mga awtoridad sa tabi ng bangkay ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.
- Latest