TUGUEGARAO CITY, Philippines – Tatlong tagasuporta ng isang alkalde ang patay matapos na tambangan at ratratin ng mga di kilalang salarin sa bayan ng Sto. Tomas, Isabela kamakalawa.
Kinilala ni Sr. Insp. Richard Gatan, hepe ng Sto. Tomas PNP, ang mga napatay na magpi-pinsan na sina Cayetano Laggui, Marvin Laggui at Jerry Macapia na mga residente ng Brgy. Baleleng, mga supporters ni Mayor-elect Antonio Talaue ng nasabing bayan.
Ayon sa report, sakay ng dalawang motorsiklo ang tatlong biktima nang abangan at pagbabarilin ng armadong grupo sa tulay ng Brgy. Culalabu dakong alas-4:45 ng hapon.?
Sinabi ni Gatan na ang mga biktima ay pamangkin ng nagtatagong si Nelson Laggui na itinuro namang pumatay kay Rocky Paguigan na supporter naman ng talunang si Noel Reyes ng nakalipas na buwan. ?
Si Reyes, Paguigan at walo pang katao ang umano’y kumuyog sa mga supporters ni Talaue noong Enero na ikinamatay ni John-John Laggui na pamangkin naman ni Nelson Laggui. Binistay naman ng bala si Elipio Paguigan na kaanak ni Rocky Paguigan habang natutulog ito sa duyan noong nakaraang Abril. Si Reyes na chairman ng Barangay Colunguan ay kasalukuyan din nagtatago ayon kay Gatan.
Tinitingnan ng pulisya na paghihiganti ang motibo sa pamamaslang sa tatlong biktima.