Trak vs van: Lola patay, 15 sugatan
QUEZON, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 62-anyos na lola habang 15 naman ang nasugatan makaraang banggain ng pampasaherong van ang isang trak sa crossing ng Ecotourism Road sa Barangay Isabang sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng umaga. Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan si Lolita Palicpic ng Lipa City, Batangas habang ginagamot naman sa Lucena United Doctors Hospital ang mga kasamang nakasakay sa Isuzu truck (XMW601) na sina Henry Palicpic, driver; Ernesto Cortez, Marlon Vargas, at si Kim Palicpic. Ginagamot din sa nasabing ospital ang mga sakay ng van (UDI-313) na sina Abel Casido, Mary Joy llagas, Jonathan de la Peña, Willard dela Peña, at si Rosemarie Oliveros. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Joel de Mesa, bandang alas-5:30 ng umaga ay patungong Barangay Domoit ang trak nang salpukin ng van.
- Latest