^

Probinsiya

7 supporter ng mayor minasaker

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - Ilang oras bago ang botohan, pito-katao ang pinabulagta habang isang pulis naman ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga hindi kila­lang kalalakihan sa bahagi ng Barangay Wawa 3 sa ba­yan ng Rosario, Cavite kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga na­paslang na sina Arniel Sharief ng Brgy. Wawa 2; Farhan Datu Imam ng Brgy. Tejeros Converntion; Ramon Tuazon, 33, ng Brgy. Sapa 2; Naim Hadjiomar, Omair Imam, 40, ng Brgy. Poblacion; Ibrahim Imam Maca­rambon, 19, ng Brgy Tejero, Gen. Trias City, Cavite; at si Pabil Mangandia Sultan, 40, ng Brgy. Tejeros sa bayan ng Rosario, Cavite.

Habang isinasalba naman sa pagamutan si Fatak Mampon y Macabago, 39, nakatalaga sa Salaam PNP at residente Brgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite.

Sa ulat na nakarating kahapon sa National Election Monitoring Action Center (NEMAC)  sa Camp Crame, ang mga biktima ay lulan ng Mitsubishi Adventure (URQ 913) at ng dalawang motorsiklo  na may mga plakang 8055-WK at 8265-DO nang harangin at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Brgy. Wawa 3 bandang alas-12:10 ng madaling araw.

Nang makababa na ay pinadapa ang mga biktima saka pinagbabaril sa ulo para masigurong patay lahat bago tuluyang iwan ng gunmen.

Nabatid na ang mga biktima ay mga supporter ng mag-amang sina Rosario Mayor Nonong Ricafrente na kandidato sa vice mayo­ral race at Vice Mayor  Jose Voltair Ricafrente na kandidato naman sa mayoralty race.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng  cal. 5.56mm, cal.45 pistol, cal. 9mm pistol, at cal .45 pistol.

Sa pahayag ni P/Supt. Rommel Javier, officer-in-charge ng Rosario PNP, malaki ang posibilidad na may kinalaman sa banggaan sa pulitika ang naganap insidente.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with