TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 69-anyos na lolo matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki sa harap ng kanyang kinakasama at anak nito habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Barangay Gaddanan, bayan ng San Mateo, Isabela noong Biyernes ng gabi.? Kinilala ni P/Chief Insp. Pilarito Mallilin, hepe ng San Mateo PNP ang napatay na si Ernesto De Leon ng nabanggit na barangay. Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi na mula sa pakikipaglamay ang biktimang naka-motorsiklo kaangkas ang kanyang kinakasama at 13-anyos na anak nang harangin at pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo. Hindi naman idinamay ang ka-live-in ng biktima at kanyang anak habang patuloy naman ang pagsisiyasat.