PAMPANGA, Philippines – Isinagawa ang anti-drug abuse symposium para sa Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa Barangay Cuayan sa Angeles City, Pampanga.
Lumahok sa symposium ang mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Chairman Art Candelaria, samahan ng kababaihan at kabataan kung saan nakiisa rin si Mhar de Jesus manager ng Sogo Hotel-Dau branch at kanyang mga tauhan.
Tumayong lecturer sina Glenn Guillermo, media relation officer ng PDEA Region 3 at P/Senior Insp. Rolando M. Doroja, commander ng police station 5.
Binigyang pansin ng symposium ang responsebilidad ng estado na bantayan ang integridad ng teritoryo at pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan partikular ang mga kabataan laban sa nakasisirang epekto sa pisikal at kaisipang dala ng illegal na droga.
Gumamit ng power point presentation ang PDEA at PNP officer kung saan binigyang pagkakataon ang mga kalahok na makapagtanong at makibahagi sa talakayan.
Kasunod nito, binuo ang Barangay Anti-Illegal Drug Abuse Council na tutulong sa PDEA at PNP laban sa pagkalat ng droga sa kanilang komunidad.