BULACAN, Philippines – Sinimulan na ng screening committe mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan ng Bulacan ang pagpili para sa natatanging Lupon Tagapamayapa Incentive Awards ng mga barangay.
Kabilang sa mga miyembro ng screening committe ay sina Fiscal Sinforoso Roque at Asst. Prosecutor Hermenegildo Joson ng Department Of Justice; Digna Enriquez ng Department of Interior and Local Government; P/Supt. Hercules Ileto ng Bulacan Provincial Police Office; at iba pang sangay ng pamahalaang panlalawigan.
Pinangunahan naman ni Chairman Rommel Pabale ng Brgy. Abangan Sur sa bayan ng Marilao,Bulacan kasama ang mga barangay kagawad at 20 miyembro ng Lupon Tagapamayapa sa pamumuno ni Eng. Anselmo Basubas ng Sitio Itok-Itok.
Ayon kay Chairman Pabale bawa’t reklamo ng mga residente ay dinidinig ng Lupon Tagapamayapa para mabigyan ng kalutasan
“Ang susi sa maagang pagresolba ng mga problema at karaingan ay ang patas na pagdinig at walang kinikilingan sa magkabilang panig,” paliwanag ni Chairman Pabale
Nabatid na isa sa mga napili ng screnning committe bilang isa sa mga kandidato sa Lupon ng Tagapamayapa Awards ay ang Barangay Abangan Sur sa bayan ng Marilao.
Kabilang din sa mga pinagpipilian ay ang mga Barangay Kaypian sa San Jose Del Monte City; Barangay Tibag sa bayan ng Pulilan; Brgy. Bagong Bayan sa Malolos City; at ang Barangay Parulan sa bayan ng Plaridel.