TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 45-anyos na real estate agent at ina nito habang pito naman ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang kanilang sasakyan sa punungkahoy sa gilid ng highway sa Barangay Alaguia, bayan ng Lal-lo, Cagayan noong Sabado ng umaga. ?
Kinilala ang mag-inang namatay na sina Ferdinand Simbra at Elisa Simbra, 80.
Kritikal at inilipat sa Cagayan Valley Medical Center ang mga sugatang sina Zebriena Simbra, 1; Zharina Simbra, 4; Nicole Simbra, 22; Hanna Joy Simbra, 11; Felimon Simbra, 38; Jonathan Pasos, 15; at si Ma. Antonette Fantolgo, 48.?
Sa pahayag ni SPO1 Gilbert Columna, patungo sana sa bayan ng Allacapan mula sa Tuguegarao City ang mga biktima lulan ng SUV (WNW 977) nang biglang kumabig pakaliwa kaya sumalpok sa punungkahoy dakong alas-9:30 ng umaga.?
Patay agad ang driver na si Ferdinand habang naipit naman ang nanay nito na sina Elisa sa harapan ng sasakyan.