^

Probinsiya

39 katao huli sa droga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa 39 katao ang inaresto ng mga awtoridad kaugnay ng kasong pagtutulak at paggamit ng droga sa isinagawang serye ng anti-drug operation ng PNP Oplan Lambat Sibat sa 12 munisipalidad at lungsod ng Bulacan  nitong Huwebes hanggang kahapon.

Sa ulat na tinanggap ni Police Regional Office (PRO) 3 Director Rudy Lacadin, bandang alas-5 ng hapon kamakalawa nang simulan ang raid sa mga pinaghihinalaang drug den sa lalawigan.

Nasamsam sa serye ng operasyon ang may 104 plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalias.

Ayon sa opisyal, ang mga suspek ay nasakote mula sa mga bayan ng Baliwag, Bocaue, Bulakan, Bustos, Calumpit, Guiguinto, Marilao, San Ildefonso, Paombong, at San Miguel gayundin sa mga lungsod ng San Jose Del Monte at Meycauayan.

Narekober pa ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana, isang cal. 38 revolver at mga drug paraphernalia.

AYON

BALIWAG

BOCAUE

BULACAN

DIRECTOR RUDY LACADIN

MGA

OPLAN LAMBAT SIBAT

POLICE REGIONAL OFFICE

SAN ILDEFONSO

SAN JOSE DEL MONTE

SAN MIGUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with