Ex- barangay chairman, itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 80-anyos na dating barangay chairman matapos itong barilin ng riding-in-tandem gunmen sa tapat ng kanyang tindahan sa Barangay Calantac, bayan ng Alcala, Cagayan kamakalawa. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Eugenio Calixto. Base sa police report, nagkunwaring bibili ng sigarilyo ang gunman bago isagawa ang pamamaril sa biktima. Mabilis na tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo matapos ang pamamaslang. Sinisilip ng pulisya ang anggulong alitan sa lupa ang isa sa motibo ng killer laban sa biktima.

Show comments