TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Arestado ang pangunahing suspek na pumatay sa 19-anyos na coed na anak ng opisyal ng Mariano Marcos State University sa Ilocos Norte noong Agosto 2015 matapos itong makipagbarilan at masukol ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Tagga, Tuguegarao City, Cagayan noong Lunes.?
Sa pahayag ni P/Senior Insp. Joefferson Gannaban, nasukol nila ang suspek na si Victorino Mangabat Jr. sa palayan kasama ang kanyang nanay na si Dahlia Mangabat matapos nilang salpukin ang barikada ng Comelec checkpoint at police car sa tangka nilang pagtakas.? Ayon kay Gannaban, rumesponde ang pulisya matapos ang flash alarm kaugnay sa puting SUV na gamit ng mag-ina na tumakas dahil hindi nagbayad sa gasolinahan.?
Nakilala ang suspek dahil sa ginamit nitong SUV na naka-flash alarm din bilang carnap vehicle mula sa bayan ng Alaminos, Pangasinan. ?Nasa ligtas nang kalagayan sa tama ng bala si Mangabat sa Cagayan Valley Medical Center habang ang ina nitong nakatakdang kasuhan ay hindi nagbigay ng anumang pahayag sa pulisya.
Base sa tala ng pulisya, huling namataang buhay ang biktimang si Jemima Keiza Andres na kasama ang suspek at iba pang kaibigan bago natagpuang patay na may tama ng bala sa ulo sa tabi ng highway sa Barangay Cristobal, bayan ng Sarrat, Ilocos Norte.
Ayon sa pulisya, ginamit ng mag-inang Mangabat ang pangalan ng dalawang malaking pulitiko sa Ilocos Norte para maisagawa ang kanilang modus operandi.