MANILA, Philippines – Dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang habang isa pa ang nasakote matapos na makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Barangay Gibgos, bayan ng Caramoan, Camarines Sur kahapon ng umaga.
Ayon kay Major Angelo Guzman, Army’s regional spokesman, dakong alas–10:20 ng umaga ng maitala ang bakbakan.
Nabatid na nagsasagawa ng combat operations ang tropa ng Army’s 83rd Infantry Battalion at Army’s 91st Division Reconnaissance Company nang makasagupa ang grupo ng mga armadong rebelde.
Sa nasabing pagpapagpo ay agad sumiklab ang mainitang bakbakan na tumagal ng may 15-minuto.
Dalawa sa mga rebelde ang tumimbuwang at inabandona ng mga nagsitakas nitong kasamahan. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang rebelde.
Narekober sa encounter site ang tatlong M16 rifles, isang M 653 carbine rifle, isang M 2013 grenade launcher, tatlong backpacks, tatlong Improvised na bomba at mga subersibong dokumento.
“We need bigger strides in our operations this year. And I am happy our units responded and our strategy yielded with a big blow to the rebels,” pahayag naman ni AFP-SOLCOM Chief Lt. Gen. Ricardo Visaya.