TARLAC CITY, Tarlac, Philippines – Naibigay na sa 61 estudyante ang kanilang benepisyo kaugnay sa Special Program for Employment of Students (SPES) mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa Tarlac City, Tarlac.
Sa ulat ni DOLE Provincial Director Efren Reyes, tumanggap ng sahod na P2,400 kada estudyante dahil sa pagtatrabaho sa Tarlac City Hall sa loob ng 20-araw kung saan pandagdag sa P3,600 na naunang binigay ng nabanggit na pamahalaang lungsod.
Ang SPES ay programa ng DOLE na naglalayong matulungan ang mga maralita ngunit karapat-dapat na mga mag-aaral na maipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng trabaho tuwing bakasyon.
Nakabase ang kanilang sahod sa itinakdang minimum wage kung saan 40 porsyento ay mula sa DOLE habang ang nalalabing 60 porsyento naman ay mula sa employer nila na kumpanya o lokal na pamahalaan.