TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang isang kawani ng La Union Provincial Jail matapos itong barilin ng hindi kilalang lalaki habang nagpapahinga sa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada sa tapat ng San Fernando City Hall sa nasabing lalawigan kamakalawa. Napuruhan sa leeg ang biktimang si Jonathan Casuga ng Barangay Pagdalagan Norte. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nilapitan ng gunman ang biktima habang hinihintay ang mga kasamahan niya sa nasabing tanggapan ng pinaputukan ito sa leeg. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng cal.45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.