2 akyat-bahay dedo sa pulis

Isa sa dalawang Akyat Bahay Gang na napatay ang sinusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa compound ng apartment sa Barangay Poblacion sa bayan ng Norzagaray, Bulacan kahapon ng madaling araw. Gary Bernardo

BULACAN, Philippines – Napaslang ang dalawang miyembro ng Akyat-Bahay Gang matapos itong makipagbarilan sa isang pulis sa Barangay Poblacion, bayan ng Norzagaray, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawa na sinasabing walang nakuhang identification cards sa bulsa ng pantalon.

Kinilala naman ang naka­barilan ng dalawa na si PO3 Jonathan De Belen ng Norzagaray PNP, nakatalaga sa warrant section at miyembro ng drug enforcement unit sa nasabing presinto.

Base sa police report, natutulog si PO3 De Belen sa nirerentahan apartment sa Sitio Tabtab nang nakarinig ito ng mga tahol ng mga alagang aso kaya inusisa nito.

Namataan ni PO3 De Belen ang dalawa na pumasok sa loob ng kaniyang bisinidad kaya napilitang sitahin subalit pinaputukan ang pulis kaya sumilklab ang barilan.

Narekober sa dalawa ang cal.45 pistol at cal.38 revolver, mga bala, 5 plastic sachet ng shabu at 3 pakete ng marijuana.

Show comments