NORTH COTABATO, Philippines – Umaabot sa P13 milyong halaga ng pananim ang napinsala makaraang atakihin ng mga daga ang siyam na barangay sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng umaga.
Ayon kay Mayor Herlo Guzman Jr., idineklara ng Sangguniang Bayan sa isinagawang special session ang state of calamity sa siyam na barangay na naapektuhan ng pag-atake ng mga daga.
Batay sa ulat ni Municipal Disaster Risk Reduction Officer David Don Saure, umabot sa P13, 509, 426.90 ang naitalang danyos sa 600 ektaryang sakahan.
Kabilang sa mga apektado ay ang mga Barangay Bangilan, Cuyapon, Dagupan, Lower Paatan, Katidtuan, Malamote, Upper Paatan, Simone, at ang Barangay Pedtad kung saan aabot sa 416 pamilya ang apektado.
Maliban sa pag-atake ng daga ay patuloy pa ring nararanasan ang matinding tagtuyot sa nasabing bayan at karatig lugar.