MANILA, Philippines – Tumama ang isang magnitude 6.4 na lindol sa Davao Occidental ngayong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang sentro ng lindol sa 313 kilometro timog-silangan ng Sarangani, Davao Occidental na yumanig ganap na 12:37 ng umaga.
May lalim na 29 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.
Sa layo nito ay Intensity 1 lamang ang naramdaman sa Alabel, Sarangani.
Ilang minuto lamang ang lumipas ay isang aftershock na magnitude 4.7 ang tumama ulit sa Sarangani ganap na 1:01 ng umaga.
Samantala, isang magnitude 3.4 na lindol naman ang naitala sa Urdaneta City, Pangasinan kanianag 4:24.
Wala namang naitalang pinsala ang tatlong lindol.